Sunog sumiklab sa residential area sa Makati

By Len Montaño, Rhommel Balasbas April 24, 2019 - 11:51 PM

Credit: Khristine Ocfemia

Tinupok ng apoy ang ilang bahay sa Barangay Valenzuela, Makati City Miyerkules ng gabi.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Chinese National sa kanto ng Taguig at Valenzuela Streets alas 9:40 ng gabi.

Anim na bahay ang nasunog dahil nahirapan ang mga bumbero na apulahin ito dahil sa kakulangan ng tubig ayon kay Makati City fire marshal Roy Quisto.

Hatinggabi na ng Huwebes nang idineklarang fire-out ang sunog.

Walang nasaktan sa sunog pero dalawang babae ang dinala sa pagamutan dahil sa paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga.

Aabot sa P100,000 ang halaga ng ari-ariang natupok ng apoy at walong pamilya ang nawalan ng tirahan.

TAGS: Barangay Valenzuela, ikalawang alarma, makati city, residential area, sunog, tinupok ng apoy, Barangay Valenzuela, ikalawang alarma, makati city, residential area, sunog, tinupok ng apoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.