M3.7 na lindol tumama sa Davao Occidental

Naitala ang magnitude 3.7 na lindol sa lalawigan ng Davao Occidental alas 7:18 Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng pagyanig ay 144 kilometers southeast ng Sarangani.

Ang lindol ay may lalim na 13 kilometro at tectonic ang origin nito.

Wala namang inaasahang aftershocks o pinsala bunsod ng lindol.

Ang bagong lindol ay isang araw makalipas ang magnitude 6.5 na lindol sa Eestern Samar araw ng Martes at magnitude 6.1 na lindol sa Luzon noong Lunes.

Read more...