Rescue ops sa supermarket sa Pampanga magpapatuloy kahit wala ng senyales ng buhay
Wala ng senyales ng buhay sa gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga pero magpapatuloy ang search at rescue operations.
Ayon kay Pampanga police chief Col. Jean Fajardo, kinumpirma ng mga rescuers at K-9 units na wala ng senyales ng buhay sa Chuzon Supermarket na bumagsak bunsod ng magnitude 6.1 na lindol noong Lunes.
“Pinaikutan po nila sa K-9, ang na-detect ng K-9 is yung naputol na paa at yung yung other yung bay 1 and 2 negative po yun patay at buhay wala din po,” ani Fajardo.
Pero nilinaw nito na itutuloy pa rin ang search at rescue operations dahil baka hindi anya ganoon katama ang mga gamit ng mga otoridad sa paghahanap ng survivors sa loob ng gusali.
“Ayaw namin matapos yung search and rescue operation po… baka magkamali ang ating K-9 [units] yung kanilang detector kasi sa dami ng equipment natin baka ma-confuse minsan. Makina po yun e,” dagdga ng police official.
Samantala, nagsimula na ang clearing operations ng Department of Public Works and Highway (DPWH) pero naghahanap pa rin ang mga tauhan nito ng senyales ng buhay sa lugar.
Hanggang araw ng Miyerkules, nasa apat na bangkay ang nakuha sa guho at walong sugatang empleyado ang nailigtas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.