Parinig ni PNoy sa mga presidential candidates ipinagtanggol ng Malacanang

By Alvin Barcelona December 07, 2015 - 08:55 AM

(ROME, Italy) President Benigno S. Aquino III delivers his speech during the Meeting with the Filipino Community in Rome at the Leptis Magna I & II Function Room of the Ergife Palace Hotel for his Official Visit to the Italian Republic on Thursday (December 03, 2015). (Photo by Joseph Vidal/ Malacañang Photo Bureau)
 (Photo by Joseph Vidal/ Malacañang Photo Bureau)

Itinanggi ng Malacanang na nagsimula nang gumamit ng demolition tactics si Pangulong Noynoy Aquino laban sa mga kalaban ng kanyang manok sa 2016 Presidential Elections.

Sa kabila ito ng mistulang paninira ng pangulo sa mga kalaban ni dating DILG Sec. Mar Roxas sa harap ng mga Filipino sa Italy.

Bagamat hindi direktang pinangalanan, halata na ang inilalarawan ni PNoy sa kanyang litanya sa Roma ay sina Senadora Grace Poe, Miriam Defensor Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Vice President Jejomar Binay.

Pero paglilinaw ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ang ginawa lamang ng pangulo ay inilarawan sa sarili nitong salita ang mga kandidato sa pagka-presidente.

Aniya wala itong ipinagkaiba sa ginagawang pag-puna ng mga nasabing kandidato sa mga accomplishments ng administrasyon.

Samantala, kung pinintasan ni PNoy ang mga kalabang presidentiables, todo benta naman ito sa kandidatura ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa mga naka-usap nitong Pinoy sa Roma.

TAGS: 2016, Aquino, binay, duterte, poe, roxas, Santiago, 2016, Aquino, binay, duterte, poe, roxas, Santiago

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.