Ayon kay Zarate, dapat na ma-convert bilang rebates sa bill ng mga apektadong consumer ang multang ipinataw ng MWSS sa Manila Water alinsunod sa itinatakda ng kanilang concession agreement.
Nagdusa anya at gumastos ang mga consumer ng Manila Water noong Marso hanggang ngayon kaya marapat lamang na ang mga ito rin aniya ang makinabang sa ipapataw na parusa sa naturang water concessionaire.
Sa kabila nito, sinabi ni Zarate na maghahain pa rin sila ng kaso laban sa Manila Water at panagutin ang lahat ng mga opisyal na bigong gampanan ang kanilang trabaho na nagresulta sa water shortage.