Ipinagyabang ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison na hindi kailangan ng anumang tulong mula sa pamahalaan ng mga kasapi ng New People’s Army na biktika ng lindol sa Eastern Samar.
Mula sa Utrecht ay nagpdala ng mensahe sa mga miyembro ng media si Sison.
“The NPA does not need anything from Duterte. He is a foolish enemy of the NPA,” pagmamalaki ng nasabing lider-komunista
“The people’s government, NPA and the revolutionary masses have an effective disaster relief system in the (tremor hit) areas,” dagdag pa ni Sison.
Ito ang sagot ni Sison sa naging pahayag ng pangulo na hindi makatatanggap ng kahit na isang sentimong tulong sa pamahalaan ang mga nilindol na kasapi ng NPA.
Nauna na ring sinabi ng pangulo na tuloy ang panghihingi ng revolutionary tax ng mga kasapi ng NPA sa mga negosyante sa mga lalawigan at bahagi nito ay ginagamit ni Sison sa kanyang pananatili sa labas ng bansa.
Umaabot rin umano sa daang milyong pisong halaga ng pera ang kinukulimbat ng rebeldeng grupo sa mga pulitiko na gustong mangampanya sa kanilang mga nasasakupang lugar.