Duterte: 20 NPA nalibing nang buhay dahil sa lindol sa Eastern Samar

Inquirer file photo

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na abutan ng tulong ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na naapektuhan ng malakas na lindol kahapon sa Eastern Samar.

Sa situation briefing sa San Fernando Pampanga kahapon, sinabi ng pangulo na nakatanggap siya ng ulat na aabot sa sampu hanggang dalawampung miyembro ng NPA ang nabaon sa lupa.

Utos ng pangulo sa mga opisyal ng gobyerno, hindi pag- aaksayahan ng pamahalaan ang pagliligtas sa mga rebelde.

Hindi rin gagastos ng kahit na isang sentimo ang pamahalaan para sa hukayin ang mga miyembro ng NPA.

“Pagka ang NPA nabaon doon, huwag mong tulungan. Sabi na may nabaon doon na sampu o 20 NPAs there, just tell them that Duterte does not like to spend one centavo of fuel for the equipment to retrieve your comrades. He’s angry at you”, ayon pa sa pangulo.

Read more...