Speaker Arroyo dinalaw ang mga kababayan na namatayan dahil sa lindol

By Erwin Aguilon April 24, 2019 - 03:45 PM

Photo: Ricky Brozas

Personal na nagpa-abot ng pakikiramay si House Speaker Gloria Arroyo sa pamilya ng mga nasawi sa 6.1 magnitude na lindol na yumanig sa Central Luzon.

Kasama ni Arroyo si Pampanga Governor Lilia Pineda na nag-ikot para dalawin ang mga biktima ng naiwang pamilya.

Anim na pamilyang namatayan dahil sa lindol sa Lubao at Porac Pampanga ang dinalaw ni Arroyo ngayong araw.

Ayon sa tanggapan ng lider ng kamara, nagbigay ng financial at burial assistance si Arroyo at ang lokal na pamahalaan ng Pampanga para sa mga namatayan.

Magbibigay din ang mga ito ng tulong pinansyal at medikal para sa mga nasugatan sa lindol.

Muli ring binalikan ni Speaker GMA ang Chuzon Supermarket para alamin ang sitwasyon sa ginagawang rescue operation.

Ininspeksyon din ni Arroyo ang Porac Church na lubhang nasira matapos ang malakas na pagyanig ng lindol.

TAGS: Arroyo, lindol, Lubao, Pampanga, pineda, Arroyo, lindol, Lubao, Pampanga, pineda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.