Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Naitala ng Phivolcs ang lindol sa 374 kilometers southeast ng Sarangani alas 11:28 ng umaga ng Miyerkules, Apr. 24.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 270 kilometers.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...