Pagmumura hindi krimen ayon kay Pangulong Duterte

By Chona Yu April 24, 2019 - 12:15 PM

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi krimen ang pagmumura.

Sa talumpati ng pangulo kagabi sa PICC sa Pasay City, sinabi nito na mismong ang Korte Suprema na ang nagsabi na hindi slanderous ang pagmumura.

Matatandaan na noong March 1969 nagpalabas ng desisyon ang Korte Suprema na nagsasabing hindi slanderous ang murang “PI mo”.

Ayon sa pangulo, ang pagmumura ay normal nang lenggawahe ng mga mayor lalo na sa mga taga-Mindanao region.

Hindi aniya makakukuha ng magandang resulta sa trabaho ang mga mayor kapag hindi nagmura.

“Those are the language of a — languages of the mayor, especially in Mindanao. You don’t get results when you do not say p***** i** mo. It’s a — it’s a… The press, international, they don’t like me. So when I say “p***** i** mo”, actually it’s a slang, we call it slang and it means son of a b****,” pahayag ng pangulo.

Matatandaang nagsilbing mayor ng Davao si Pangulong Duterte ng mahigit 20-taon.

Katwiran pa ng pangulo, kailanman ay hindi siya naging statesman lalo’t wala namang kurso sa mga eskwelahan ukol dito.

TAGS: cursing, duterte, Radyo Inquirer, cursing, duterte, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.