358 na pamilya naapektuhan sa 6.1 magnitude na lindol na tumama sa Luzon

Aabot sa 1,938 na katao o 358 na pamilya ang naapektuhan ng 6.1 magnitude na lindol na tumama sa Castillejos, Zambales noong Lunes, April 22.

Ayon sa datos ng NDRRMC nasa 80 structures o gusali ang nasira o nagkalamat dahil sa lindol habang nasa 67 na bahay ang napinsala.

Sa nasabing bilang, 54 ang totally damaged at 13 naman ang partially damaged.

Ayon naman sa Department of Social and Welfare and Development (DSWD), mayroong 245 na pamilya o 1,271 na katao ang nananatili ngayon sa apat na evacuation centers.

Nakapagbigay na ang DSWD ng mahigit P213,000 na halaga ng tulong para sa mga naapektuhang pamilya.

Read more...