Mga turista pinagbawalan muna ni Pangulong Duterte na magtungo sa Zamboanga dahil sa banta ng ISIS-inspired na Abu Sayyaf Group

By Chona Yu April 24, 2019 - 11:58 AM

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga turista na iwasan na muna ang pagtungo sa Zamboanga.

Sa taumpati kagabi ng pangulo sa PICC Pasay City, sinabi nito na nananatili pa kasi ang banta ng ISIS-inspired na Abu Sayyaf Group.

Ayon sa pangulo, sa ngayon hindi niya muna irerekomenda ang pamamasyal sa Zamboanga.

Sinabi ng pangulo na marami sa mga turista mula sa Europa ang nagtutungo sa Zamboanga para sa bird watching.

Karamihan aniya sa mga turista ay binibihag ng ASG at hinihingan ng ransom.

Pero kahit na nagbabayad ng ransom, pinupugutan pa rin ng ASG ang mga bihag.

Wala na aniyang idelohiya ang Abu Sayyaf kundi ang pumatay na lamang ng kapwa.

“And you know the Abu Sayyaf, they do nothing but to kill and destroy. It’s a very interp — an interpretation which is so corrupt and would like to mean it to be what is in their head. That’s a mass insanity,” ayon sa pangulo.

TAGS: abu sayyaf group, ASG, president duterte, Zamboanga, abu sayyaf group, ASG, president duterte, Zamboanga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.