8 paaralan naapektuhan ng 6.5 magnitude na lindol sa Eastern Samar
Aabot sa walong paaralan ang napinsala ng 6.5 magnitude na lindol na tumama sa Eastern Samar kahapon, araw ng Martes, Apr. 23.
Sa datos na inilabas ng Department of Education (DepEd), kabilang sa nagtamo ng pinsala ang mga sumusunod na paaralan:
– Maypangdan National High School sa Borongan City
– Antonio Balmes National High School sa Tacloban City
– Bayanihan Elementary School sa Tacloban City
– Cirilo Roy Montejo National High School sa Tacloban City
– Scan National High School sa Tacloban City
– Tigbao-Diit Central School sa Tacloban City
– at V&G National High School sa Tacloban City
Kabilang sa natamong pinsala ng mga paaralan ay crack sa wall, nasirang glass window, crack sa poste, crack sa tiles at kisame.
Patuloy pa ang ugnayan ng DepEd sa kanilang field personnel para malaman ang iba pang pinsala na naidulot ng lindol sa Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.