Sangkaterbang letters of dismissal iiwan ni Pangulong Duterte bago tumulak patungong China

By Chona Yu April 24, 2019 - 10:35 AM

Bago pa man tumulak patungong Beijing, China mamayang hapon para sa Belt and Road Forum, trabaho pa rin ang aatupagin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa talumpati kagabi ng pangulo sa PICC Pasay City, sinabi nito na sangkaterbang letters of dismissal ang kanyang iiwan.

Gayunman, hindi na tinukoy ng pangulo kung sinu-sinong mga opisyal ng gobyerno ang kanyang sisipain sa pwesto.

Aminado ang pangulo na hindi siya masaya sa kanyang trabaho bilang presidente dahil sa talamak na korupsyon sa pamahalaan.

Wala aniya siyang magagawa kundi sibakin na lamang ang mga kurakot na opisyal.

Gayunman, kahit hindi masaya, nangako ang pangulo na tuloy pa rin ang kanyang pagtatabaho sa susunod na tatlong taon o hanggang sa matapos ang kanyang termino sa 2022.

Una rito, nagbanta si Pangulong Duterte na hindi siya mag-aatubili na sibakin ang lahat ng opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System dahil sa aniya’y kapalpakan na paghandaan ang epekto ng El Niño kung kaya nagkaranas ng malawakang kakapusan sa suplay ng tubig sa Metro Manila at Rizal kamakailan.

TAGS: Belt and Road Forum, China, letters of dismissal, president duterte, Belt and Road Forum, China, letters of dismissal, president duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.