DILG, PNP, pinatutulong ni Pangulong Duterte sa DPWH sa pagsuri sa structural integrity ng gumuhong gusali sa Pampanga
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año at ang Philippine National Police (PNP) na tumulong sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa imbestigasyon sa structural integrity ng gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga matapos ang 6.1 magnitude na lindol.
Sa situation briefing kahapon San Fernando, Pampanga, sinabi ng pangulo na nais niyang malaman kung idinaan sa mga shortcut na proseso ang pagtatayo ng gusali para lamang makatipid ng pera.
Pinabubusisi ng pangulo kung man-made o natural lamang ang pagguho ng Chuzon Supermarket.
Una rito, sinabi ni Año na pang dalawang palapag na gusali lamang ang kinuhang permit ng Chuzon Supermarket subalit ang itinayo ay apat na palapag na gusali.
“Karamihan kasi diyan ‘yung shortcuts and trying to save money. Iyon ang… That would be the work of the investigators. Secretary Año and maybe DPWH could — and the police could help in the determination of the structural integrity of that building whether it was a defect man-made or one of those really I said that it can happen and it was a bad day for them to have it,” ayon sa pangulo.
Duda rin ang pangulo na may Ialabag na safety standards ang contractor ng Chuzon Supermarket lalo’t apat na taon la lamang na naitatayo ang gusali.
Nakapagtataka kasi ayon sa pangulo na maraming gusali sa Porac ang tinamaan ng kaparehong pagyanig subalit ang Chuzon Supermarket lamang ang gumuho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.