General Luna, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 3.2 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo April 24, 2019 - 08:13 AM
Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng General Luna sa lalawigan ng Surigao del Norte.
Naitala ang pagyanig sa 55 kilometers southeast ng General Luna, alas 4:04 ng madaling araw ng Miyerkules, Apr. 24.
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 12 kilometers.
Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng nasabing pagyanig.
Wala din inaasahang aftershocks at pinsala na maidudulot ng naturang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.