Cayetano nasa likod umano ng SWS survey kung saan nanguna si Duterte

digong-alan
Inquirer file photo

Tahasang inginuso ni Senador Antonio Trillanes IV si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano na nagpa-komisyon sa Social Weather Station (SWS) kung saan nanguna ang kanyang ka-tandem na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon kay Trillanes, propaganda lamang ang panibagong survey ng SWS para makabawi si Duterte sa kapalpakang ginawa nito nang murahin si Pope Francis dahil sa matinding traffic na idinulot nito nang bumisita sa bansa noong January 2015.

Pakiusap ni Trillanes sa taong-bayan, mag isip-isip muna kung nararapat na iboto pa si Duterte matapos tahasang sabihin sa publiko na pinapatay niya sa Davao City ang mga kriminal, adik at iba pang lawless elements.

Pangamba ni Trillanes, oras na maupong pangulo ng bansa si Duterte ay hindi malayong matulad ang Pilipinas sa Somalia at Sudan na lalaganap ang kaso ng pagpatay dahil sa death squad o vigilante group.

Magugunitang sa latest SWS Survey nakakuha si Duterte ng 38-percent na sinundan naman ng malayong si Sen. Grace Poe na sinusuportahan ni Trillanes na meron lamang 21-points kaparehas ng iskor ni Vice-President Jejomar Binay.

Isang nagngangalang William J. Lima, na isa umanong negosyante mula sa Davao City ang sinasabing nagpa-komisyon ng nasabing survey.

Read more...