Operasyon ng Korte Suprema balik-normal na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo April 24, 2019 - 07:53 AM

Balik na sa normal ang operasyon ng KOrte Suprema ngayong araw matapos ang suspensyon kahapon.

Ito ay makaraan ang isinagawang inspeksyon kahapon sa gusali ng Supreme Court.

Ayon sa pahayag ng PIO ng Supreme Court, nakumpleto na kahapon ng SC engineering team ang initial inspection sa lahat ng pasilidad sa SC compound.

Wala namang nakintang major at & structural damage sa anumang bahagi ng SC.

Sa kabila nito makikipag-uganayan pa rin ang SC sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mas masusing structural assessment.

Samantala, binigyang-laya ni Chief Justice Lucas Bersamin ang mga Executive Judge sa mga lugar na naapektuhan ng lindol na magdeklara ng suspensyon ng trabaho ngayong araw.

TAGS: quake, Radyo Inquirer, Supreme Court, quake, Radyo Inquirer, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.