Rescue ops sa Pampanga naantala ng M4.5 na lindol sa Zambales

DPWH photo

Pansamantalang itinigil ng mga rescuers ang kanilang paghahanap sa mga survivors sa gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga bunsod ng bagong magnitude 4.5 na lindol na naitala sa Castillejos, Zambales Miyerkules ng umaga.

Dahil dito ay naantala ang rescue operation para sa mga na-trap sa gumuhong Chuzon Restaurant.

Tumigil muna sa kanilang paghahanap ang mga rescuers nang maramdaman nila ang pagyanig.

Lumayo ang mga rescuers sa ground zero nang muling lumindol alas 2:00 kaninang umaga.

Patuloy ang rescue operation sa lugar at ilang katao na ang nailigtas mula sa guho.

Ang pinakabagong aftershock ay naramdaman na naman sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Agad namang kumalat sa social media ang mga posts ng netizens ukol sa bagong pagyanig.

Read more...