2 patay sa pamamaril sa San Juan

By Rhommel Balasbas April 24, 2019 - 04:36 AM

Nasawi ang isang 59-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng sariling pamangkin sa loob ng kanilang bahay sa San Juan City.

Kinilala ang biktima na si Bong Bañes habang ang suspek ay si Bobby Bañes.

Ayon kay San Juan Police chief Col. Ariel Fulo, bigla lamang nag-amok ang suspek nang walang dahilan makaraang dumating sa bahay.

Nadamay sa pag-aamok ang isang masahista na nasawi sa ospital habang sugatan ang isang nurse.

Inulat ng isang concerned citizen ang pag-aamok ng suspek na agad nirespondehan ng pulisya.

Kinailangang gumamit ng mga pulis ng tear gas para mapasuko ang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pangalawang beses na itong insidente ng pag-aamok ng suspek ngunit hindi ito nakulong dahil hindi nagsampa ng kaso ang kanyang biktima.

Dati ring drug-surrenderee ang suspek.

Narekober sa crime scene ang isang shotgun, kalibre .45 at .22 na mga baril at ilang hinihinalang party drugs.

TAGS: barilin, Masahista, nag-amok, pamangkin, patay, san Juan, tear gas, barilin, Masahista, nag-amok, pamangkin, patay, san Juan, tear gas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.