Romeo sumiklab sa panalo ng San Miguel kontra Phoenix

PBA Images

Nagpakitang gilas si Terrence Romeo sa kanyang laro nang pangunahan nito ang panalo ng San Miguel laban sa Phoenix sa Game 4 ng PBA Philippine Cup semi-finals series sa score na 114-91.

Kinontrol ni Romeo ang ikatlong kwarter at gumawa ito ng 17 points sa 5 of 6 shooting from distance matapos na maging scoreless sa first half.

Dahil sa panalo ay lamang ang Beermen sa best of 7 series sa kartadang 3 panalo at 1 talo.

Isang panalo na lang ang San Miguel para tuluyang umabante sa Finals.

Sa kabuuan ng laro ay ilang technical fouls ang tinawag sa parehong koponan at nagkaroon ng dalawang ejections.

Muling maghaharap ang San Miguel at Phoenix bukas Huwebes para sa Game 5 ng kanilang serye.

Read more...