37 katao binitay sa Saudi Arabia dahil sa umano’y kaugnayan sa terorismo

By Rhommel Balasbas April 24, 2019 - 04:22 AM

Binitay ng gobyerno ng Saudi Arabia araw ng Martes ang 37 mamamayan nito dahil sa umano’y kaugnayan sa terorismo.

Ang pagbitay ay naganap sa Riyadh, holy cities ng Mecca at Medina, central Qassim province, at Eastern Province na teritoryo ng Shia minority.

Ayon sa pahayag ng Saudi Press Agency (SPA), ang 37 indibidwal ay binitay dahil sa kanilang kaisipang may kinalaman sa terorismo at pagbuo sa mga grupo na layong guluhin ang seguridad.

Isa sa mga binitay ay ipinako sa krus na isang parusang nakalaan para sa serious crimes.

Ang bitay sa Saudi Arabia ay kadalasang sa pamamagitan ng pagpugot sa ulo.

Nasa 100 na ang binitay sa Saudi Arabia simula noong Enero ayon sa datos na inilabas ng SPA.

Makailang beses nang nagpahayag ng pagkabahala ang human rights experts ukol sa hindi pagiging patas ng mga pagdinig sa Saudi Arabia.

Ang sinumang mahahatulang nagkasala sa terorismo, homidice, rape, armed robbery at drug trafficking ay mahaharap sa death penalty sa naturang Arab country.

TAGS: 37 mamamayan, binitay, Riyadh, saudi arabia, Saudi Press Agency, Terorismo, 37 mamamayan, binitay, Riyadh, saudi arabia, Saudi Press Agency, Terorismo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.