Duterte hindi magtatalaga ng bagong DBM Secretary hanggang matapos ang termino
Hindi na magtatalaga si Pangulong Rodrigo Duterte ng permanenteng kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) hanggang sa matapos ang kanyang termino sa 2022.
Sa situation briefing kasama ang Cabinet members sa Pampanga, sinabi ng presidente na magiging officer-in-charge ng DBM si Acting Secretary Janet Abuel hanggang sa matapos niya ang kanyang termino.
“Si ma’am will just act as OIC until…in God’s time matapos ako three years. Three years lang naman ma’am,” ayon sa pangulo.
Iginiit ng presidente na ang pagkakaroon ng acting secretary ay hindi na kinakailangang dumaan pa sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).
Si Abuel ay gumaganap bilang acting secretary ng kagawaran mula noong March 5 matapos maitalaga si Benjamin Diokno bilang gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Si Abuel na dalawang dekada nang nagsisilbi sa DBM ay isang certified public accountant at abugado.
Ayon sa presidente, inilaan ni Abuel ang buhay nito sa pagbibilang ng pera at paghahati-hati nito para sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.