12,000 pilgrims nakikilahok sa NYD 2019

By Rhommel Balasbas April 24, 2019 - 03:56 AM

NYD 2019-Cebu FB Page

Tinatayang nasa 12,000 pilgrims ang kasalukuyang nakikilahok sa National Youth Day (NYD) sa Cebu na umarangkada na mula kahapon April 23 at tatagal hanggang April 28.

Ang National Youth Day ang local version ng World Youth Day (WYD) at ito ang pinakamalaking pagtitipon ng mga kabataan sa Pilipinas.

Ito ang kauna-unahang beses na naghost ang Archdiocese of Cebu para sa NYD.

Umabot sa 11,692 ang pormal na nakarehistro para sa religious event ngunit posibleng pumalo ang bilang ng pilgrims sa 18,000 bunsod ng pakikilahok ng mga pari, madre, volunteers at iba pang lokal.

Magkakaroon ng dayalogo si Papal Nuncio Gabriel Caccia sa mga kabataan sa April 27.

Nakatakda ring dumalo ang higit 30 obispo ng Pilipinas sa pangunguna ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Archbishop Romulo Valles.

Ang mga kalahok sa NYD ay mananatili sa pangangalaga ng 3,000 foster families, seminaryo at convent dormitories.

Samantala, itinaas ang red alert status kahapon sa buong lalawigan ng Cebu para sa NYD ayon kay Police Regional Office (PRO)-Region 7 (Central Visayas) regional director Brig. Gen. Debold Sinas.

Naka-code white alert naman ang lahat ng pampublikong ospital sa Cebu upang tiyakin ang kahandaan sa pagresponde sa emergency situations.

TAGS: 000 pilgrims, 12, Archbishop Romulo Valles, Archdiocese of Cebu, Brig. Gen. Debold Sinas, CBCP, cebu, mahigpit na seguridad, National Youth Day, Papal Nuncio Gabriel Caccia, WOrld Youth Day, 000 pilgrims, 12, Archbishop Romulo Valles, Archdiocese of Cebu, Brig. Gen. Debold Sinas, CBCP, cebu, mahigpit na seguridad, National Youth Day, Papal Nuncio Gabriel Caccia, WOrld Youth Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.