National Museum balik-operasyon na ngayong araw

National Museum of the Phils. FB

Balik na sa normal ang operasyon ng National Museum of the Philippines ngayong araw ng Miyerkules (April 24).

Ito ay matapos isara sa publiko ang museo araw ng Martes upang bigyang daan ang inspeksyon sa mga pasilidad nito dahil sa magnitude 6.1 earthquake noong Lunes.

Ayon sa pahayag ng National Museum sa kanilang official Facebook page, nagtamo lamang ng minor damages ang museo na covered naman ng insurance at aayusin sa lalong madaling panahon.

Wala namang item na bahagi ng national collections ang nasira.

Read more...