Tumama ang magnitude 4.5 na lindol sa Zambales Miyerkules ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, sa bayan ng Castillejos ang episentro ng lindol na nanganap alas 2:02 ng umaga.
May lalim itong 11 kilometro at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod:
Intensity III- Olongapo City
Intensity II- Quezon City; Muntinlupa City; Taguig City
Instrumental Intensities:
Intensity III- San Ildefonso, Bulacan; Olongapo City; Guagua, Pampanga
Intensity I- Talisay, Batangas; Tagaytay City; Palayan City; Quezon City; Pasig City; Gapan City; Malolos City, Bulacan; Magalang, Pampanga.
Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang pinsala sa ari-arian bunsod ng pagyanig.
Una rito ay naitala ang magnitude 4.4 na lindol sa Dinalupihan Bataan.
Ayon sa Phivolcs, ang magnitude 4.5 na lindol sa Castillejos, Zambales ay updated info ukol sa pagyanig sa Bataan at maituturing itong aftershock.
Noong Lunes ay sa Castillejos din ang sentro ng magnitude 6.1 na lindol sa Luzon kabilang sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.