May-ari ng gumuhong supermarket sa Pampanga hawak na ng pulisya

By Rhommel Balasbas April 24, 2019 - 01:57 AM

Nasa kustodiya ng pulisya ang may-ari ng Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga na gumuho matapos ang magnitude 6.1 na lindol noong Lunes.

Ayon kay PNP-CIDG Central Luzon chief Sr. Supt. Christopher Abrahano, isinailalim sa kustodiya ng pulisya si Samuel Chu, may-ari ng supermarket at assistant manager nitong si Kaye Toledo upang masagot ang mga katanungan tungkol sa pagguho ng establisyimento.

Sinabi ni Abrahano na inaalam ngayon kung ang pagmamay-ari ba sa Chuzon Supermarket ay sa pamamagitan ng sole proprietorship o korporasyon.

Alalamin din ang pagkakakilanlan ng contractor at engineer ng pamilihan at iimbestihahan ang safety regulation officer na responsible sa pagtiyak sa safety standards nito.

Araw ng Martes ay kwinestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagguho ng pamilihan gayong apat na taon pa lamang ang tanda nito.

Walo na ang nailigtas mula sa gumuhong pamilihan habang apat na ang narekober na bangkay.

TAGS: Chuzon Supermarket, Kaye Toledo, may-ari, nasa kustodiya ng pulisya, Pampanga, PNP-CIDG, Porac, Sr. Supt. Christopher Abrahano, Chuzon Supermarket, Kaye Toledo, may-ari, nasa kustodiya ng pulisya, Pampanga, PNP-CIDG, Porac, Sr. Supt. Christopher Abrahano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.