Holdaper patay sa engkwentro sa Quezon City

Nasawi ang isang holdaper matapos manlaban sa mga pulis sa bahagi ng West Riverside, Del Monte, Quezon City.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek na nakasuot lamang ng white t-shirt at orange shorts.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. Gen Joselito Esquivel, unang nakatanggap ng sumbong ang mga pulis tungkol sa panghoholdap ng suspek sa isang bus sa West Riverside bandang alas-3:00 ng madaling-araw ng Martes.

Nagkasa ng follow-up operation ang mga pulis Martes ng gabi ngunit imbes na sumuko sa mga pulis ay nanlaban ang suspek at nauwi ito sa engkwentro.

Sa ngayon ay ipinoproseso ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang bangkay ng suspek.

Read more...