Duterte hahayaan ang mga mayayamang negosyante na gastusan ang Marawi rehab

By Len Montaño April 24, 2019 - 01:43 AM

Hahayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mayayamang negosyante sa Marawi City na gastusan ang rehabilitasyon ng lungsod na nasira dahil sa giyera sa Maute Group.

Pahayag ito ng Pangulo kasunod ng pag-amin na hindi niya makakayang maibalik sa dati ang Marawi City.

“I don’t think that I should be spending for their buildings…Every Maranao, there is a businessman. Those who are into shabu are included. They have money. The debate there is whether I would be also building the same kind that they lost. I don’t think I am ready for that” ani Duterte.

Sa kabila ng kanyang sinabi ay pinuri naman ng Pangulo ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) para sa mga pabahay sa Marawi City.

Dagdag ng Pangulo, “man-made” calamity ang Marawi siege na anyay nakatakdang mangyari dahil sa ginagawa ng mga tao roon.

Naglaan ang gobyerno ng P67.99 billion para sa Marawi rehab na nagsimula noong October 2018.

TAGS: balik sa dati, gastusan, hudcc, man made, Marawi City, mayayamang negosyante, rehabilitasyon, Rodrigo Duterte, balik sa dati, gastusan, hudcc, man made, Marawi City, mayayamang negosyante, rehabilitasyon, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.