Presyo ng diesel at kerosene bababa simula bukas ng umaga

gas
Inquirer file photo

Inanunsyo ng ilang oil companies sa bansa na magbabawas sila sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo simula bukas ng umaga.

Sinabi ng Petron na epektibo 12:01am ay 50-centavos ang ibabawas sa kanilang Diesel, 70-centavos naman sa Kerosene o gaas samantalang walang pag-galaw sa presyo ng kanilang gasolina.

Kanina ay sinabi rin ng Pilipinas Shell na alas-sais bukas ng umaga 50-centavos ang kanilang ibabawas sa halaga ng Diesel samantalang 75-centavos naman sa Kerosene o gaas at mananatili naman ang kasalukuyang presyo ang gasolina.

Ayon sa ilang oil industry insiders, inaasahan din ang kahalintulad na bawas sa ilan pang kumpanya ng langis kasama na rin ang mga small players.

Ang nasabing paggalaw ay dahil na rin sa matatag na supply ng krudo sa world market at ang muling pagpasok ng Iran sa overall inventory ng oil products.

Iniulat din ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) na napanatili nila ang 30 Million Barrels per Day (BPD) production ng crude oil.

Ang nasabing pahayag ay nagbigay ng matinding mensahe sa mga Russian at North American oil companies na kayang idepensa ng OPEC ang market share dahil sapat ang kanilang output quota sa kasalukuyan.

Read more...