2 sundalo sugatan, libo-libo inilikas dahil sa enkwentro ng militar at NPA sa Cotabato
Sugatan ang dalawang sundalo na miyembro ng 19th Infantry Battalion kasunod ng enkwentro sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa North Cotabato Martes ng umaga.
Ayon kay Police Captain Jose Marie Molina, naganap ang sagupaan sa mga boundary ng mga bayan ng Antipas-Arakan-Magpet.
Nagresulta ito sa paglikas ng mahigit isang libong residente na apektado ng enkwentro ng mga sundalo at rebelde.
Pansamantalang naninirahan ang mga ito sa Barangay Badiongan hall sa bayan ng Arakan.
Sinabi ni Police Captain Bernard Abarquez, hepe ng Antipas Police, kabilang sa mga inilikas na residente ay mula sa Brgy. Malire.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.