Ayon sa Pagasa, ang heat index sa Guiuan ay umabot sa 46.7 degrees Celsius alas 11:00 Martes ng umaga.
Ang heat index na 41 degrees Celsius o higit pa ay ikinikunsiderang “danger level” at may banta ng masamang epekto sa kalusugan.
Naiulat ang heat index ilang oras lamang bago ang malakas na pagyanig sa lalawigan na ang episentro ay sa San Julian.
Samantala, sinabi ng Phivolcs na walang kaugnayan ang lindol sa anumang weather phenomenon gaya ng El Niño.
“Earthquakes are not affected by any weather. The origin of earthquakes are so deep that any temperature or extreme weather conditions do not affect them,” ani Ishmael Narag, officer-in-charge ng Seismological Observation and Earthquake Prediction Division ng Phivolcs.
Hanggang Martes ng gabi ay nasa 495 aftershocks ang naitala kasunod ng lindol sa Luzon habang 21 aftershocks naman sa Samar.
Samantala, ang 12 lugar sa bansa na nagtala ng mataas na heat index araw ng Martes ay ang sumusunod:
Infanta, Quezon: 45.7°C
Ambulong, Batangas: 44.1°C
Dagupan City, Pangasinan: 44.1°C
Cuyo, Palawan: 43.9°C
Baler, Aurora: 41.9°C
Casiguran, Aurora: 41.9°C
Catbalogan, Western Samar: 41.9°C
Roxas City, Capiz: 41.8°C
Zamboanga City, Zamboanga del Sur: 41.6°C
Iba, Zambales: 41.5°C
Laoag, Ilocos Norte: 41.3°C
Pinayuhan naman ng Pagasa ang publiko na manatili sa loob, magsuot ng magaan at light-colored na damit at regular na uminom ng tubig ngayong mainit ang panahon.