LOOK: Hitsura ni John Lloyd Cruz, malayo sa dating ‘leading man’ image

By Len Montaño April 23, 2019 - 10:43 PM

Credit: Pinoy 1 Million Views FB

Mahigit isang taon makalipas na hindi na maging aktibo sa showbiz, nakita ang aktor na si John Lloyd Cruz na “low-profile” na ang pamumuhay.

Kumpara sa kanyang “leading man looks,” iba na ang hitsura ngayon ni Loydie.

Sa pinakabagong mga larawan ng aktor na kumalat sa social media makikita na iba na ang style nito kumpara sa dati nitong hitsura na “well-groomed.”

Sa mga litrato na naka-post sa Facebook page na Pinoy 1 Million Views ay makikita si John Lloyd na mahaba ang buhok, may balbas at iba na ang pananamit.

Pinoy 1 Million Views FB

Hindi na aktibo sa pelikula at telebisyon ang binata matapos ipanganak ng rumored girlfriend nitong si Ellen Adarna ang sinasabing anak nila.

TAGS: ellen adarna, hitsura, iba ang pananamit, John Lloyd Cruz, leading man, low profile, mahaba ang buhok, may balbas, showbiz, ellen adarna, hitsura, iba ang pananamit, John Lloyd Cruz, leading man, low profile, mahaba ang buhok, may balbas, showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.