NDRRMC: Text message ukol sa magnitude 8 na lindol, ‘hoax’

By Clarize Austria April 23, 2019 - 10:16 PM

Nagpaalala ang OCD-NDRRMC na huwag magpadala ang mga mamamayan sa mga kumakalat na text messages na may paparating na magnitude 8 na lindol.

Ayon sa ahensya, ang mga text messages na ito ay ‘hoax’ lamang at walang katotoohanan.

Hindi rin gumagamit ng anumang cellphone number ang OCD-NDRRMC sa pagpapadala ng mga patnubay at alerts sa mga tao.

Pinaalalahanan ang publiko na huwag maglike, share o magforward ng mga nasabing pekeng mensahe.

Para sa tamang impormasyon, ipinayo na tumungo sa kanilang website na ndrrmc.gov.ph at OCD Facebook page sa Civil Defense Ph.

Hinikayat din ang publiko na maging alerto sa lahat ng oras sa mga banta ng sakuna at kalamidad.

TAGS: forward, hoax, like, lindol, magnitude 8, NDRRMC, pekeng mensahe, share, forward, hoax, like, lindol, magnitude 8, NDRRMC, pekeng mensahe, share

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.