Duterte sa Canada: ‘Kunin ang basura o magdeklara ako ng giyera’

By Chona Yu, Len Montaño April 23, 2019 - 10:06 PM

Nagbalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa Canada na magdedeklara siya ng giyera kung hindi kukunin ang basurang itinapon sa Pilipinas.

Sa susunod na linggo ay papatak na sa anim na taon mula ng dalhin sa bansa ang basura ng Canada.

Nagpahanda ang Pangulo ng barko at kung hindi pa kukunin ng Canada ang kanilang basura ay pupunta siya roon para ibuhos ang basura.

“I want a boat prepared. I’ll give a warning to Canada maybe next week that they better pull that thing out or I will set sail, doon sa Canada, ibuhos ko ‘yang basura nila doon,” pahayag ni Duterte sa situation briefing sa Pampanga kasunod ng magnitude na 6.1 na lindol.

Hindi maintindihan ng Pangulo kung bakit ginawa ng Canada na tambakan ng basura ang Pilipinas.

Kaya babala ng Pangulo, magdedeklara siya ng giyera kung hindi kukunin ng Canada ang kanilang basura.

“Magkaaway kami ng… Eh, ‘di ano, awayin natin ang Canada. We’ll declare war against them, kaya man nati’yan sila. Isaoli ko talaga. Tignan mo. Ikarga mo ‘yan doon sa barko, load the containers to a ship, and I will advise Canada that your garbage is on the way. Prepare a grand reception. Eat it if you want to,” ani Duterte.

TAGS: Basura, canada, ibubuhos, itinapon, kunin, magdeklara ng giyera, Rodrigo Duterte, Basura, canada, ibubuhos, itinapon, kunin, magdeklara ng giyera, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.