Ito ay dahil napag-alamang ang business permit ay para lamang sa ikalawang palapag ngunit ang itinayong gusali ay umabot ng apat na palapag.
Aantain pa ang isinasagawang assessment sa naturang pamilihan.
Samantala, ipinatawag na ang may-ari ng Chuzon market Criminal Investigation and Detection Group.
Marami ring naging katanungan ang Punong Ehekutibo dahil apat na taon palang ang operasyon ng pamilihan ngunit mabilis itong gumuho sa 6.1 magnitude na lindol.
Personal na inalam din ng pangulo kay Health Secretary Francisco Duque III kung sapat ang pangangailangan ng mga nasawi at nasugatan sa lindol.
Tiniyak naman ni Duque na sapat ang kanilang pondo, dugo at medical supplies.
Sinabi naman ni DSWD Secretary Rolando Bautista na pinagkalooban ng burial assistance, food packs, financial at medical assistance.
Maliban dito, nagkaroon din aniya ng stress debriefing sa mga naapektuhan ng malakas na lindol.