Huling campaign rally ng HNP, isasagawa sa Davao City

By Angellic Jordan April 23, 2019 - 08:49 PM

Sa Davao City itinakda ang huling campaign rally ng administration coalition Hugpong ng Pagbabago (HNP) para sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Davao City Mayor at HNP campaign manager Sara Duterte-Carpio, apat na lalawigan na lang ang kanilang pupuntahan bago matapos ang kampanya.

Ito ay ang Palawan, Sulu, Tawi-Tawi at Camigiun.

Sinabi pa ng Presidential daughter na inabisuhan niya ang mga HNP senator na balikan ang mga lugar kung saan sila mahina at magsagawa ng person-to-person campaign bago sila magtipun-tipon sa Davao City sa May 9.

Dapat din aniyang suportado ng campaign ads sa telebisyon ang kampanya ng kanilang mga pambato.

Imposible man aniya, umaasa pa rin ang HNP na makakapasok ang 12 pambatong senador sa pwesto.

TAGS: 2091 elections, hugpong ng pagbabago, Sara Duterte-Carpio, 2091 elections, hugpong ng pagbabago, Sara Duterte-Carpio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.