Walang Pinoy na nasugatan sa pagsabog sa Sri Lanka – DFA

Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Filipino na nasawi o nasugatan sa serye ng pagsabog sa Sri Lanka.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DFA na batay sa impormasyon mula sa Philippine Honorary Consul to Colombo Hugh Sriyal Dissanayake, walang iniulat na nasawing Pinoy ang Filipino community sa lugar.

Matatandaang nasa 290 katao ang nasawi habang 500 ang sugatan sa pagsabog sa ilang simbahan at hotel sa nasabing bansa.

Maliban sa mga residente ng lugar, 32 dayuhan ang namatay kabilang ang American, British, Australian, Indian, Chinese, Turkish, Danish, Portuguese at Dutch nationals.

Sinabi rin ng foreign ministry sa Spain na nasa dalawang Espanyol ang nasawi sa lugar.

Samantala, wala pang grupo ang umaako ng responsibilidad sa pagsabog.

Read more...