Nasa 40,000 katao ang estimated casualty sakaling tumama ang magnitude 6.5 hanggang 7.2 na lindol – Phivolcs

By Angellic Jordan April 23, 2019 - 08:09 PM

Posibleng umabot sa 40,000 na katao ang estimated casualty sakaling tumama ang magnitude 6.5 hanggang 7.2 na lindol sa Metro Manila.

Sa isang press conference, sinabi ni Ishmael Narag, officer-in-charge ng Phivolcs Seismological Observation and Earthquake Prediction Division, batay sa kanilang Risk Analysis Project 2014 report, maaaring umabot sa 40,000 katao ang masasawi sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Pampanga, Cavite at Laguna.

Ito ay kung magkaroon ng magnitude 6.5 hanggang 7.2 na lindol sa West Valley Fault.

Sakop ng West Valley Fault ang ilang parte ng Metro Manila at mga nakapaligid na probinsya tulad ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.

Dagdag pa nito, humiling ang Phivolcs ng karagdagang instrumentation devices sa paligid ng West Valley Fault para agad makakalap ng impormasyon sa paggalaw ng fault.

Samantala, pinasinungalingan naman ng Phivolcs ang kumalat na text message na posibleng tumama ang magnitude 7.1 na lindol sa Metro Manila.

Wala pa aniyang teknolohiya sa bansa na makakapag-predict kung kailan at saan posibleng mangyari ang lindol.

TAGS: lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, lindol, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.