Walang nasawi sa Eastern Samar matapos ang 6.5 magnitude na lindol – Gov. Evardone
Inihayag ni Eastern Samar Congressman Ben Evardone na walang napaulat na nasawi sa lugar matapos ang 6.5 magnitude na lindol, Martes ng hapon.
Sa isang panayam, sinabi ni Evardone na wala silang natanggap na matinding pinsala at nasawi sa kanilang lugar.
Tanging cracks sa mga gusali ng paaralan, city hall at municipal halls lamang ang kanilang naitala.
Gayunman, mayroon aniyang ilang residente na nagtamo ng minor injuries dahil sa mga nahulog na gamit dulot ng lindol.
Dagdag pa ni Evardone, ligtas daanan ang lahat ng kalsada at tulay sa probinsya sa kabila ng mga tinamong crack.
Samantala, nawalan naman aniya ng kuryente ang buong probinsya ng Eastern Samar habang ang ilan pang lugar ay hirap makasagap ng signal.
Tiniyak ni Evardone na patuloy ang pag-monitor ng pamahalaang lokal sa sitwasyon sa lugar at handang magpadala ng tulong sa mga biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.