Lalaki patay matapos mahulog mula sa ikalimang palapag ng mall sa Recto, Maynila

By Clarize Austria April 23, 2019 - 07:59 PM

Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos umano itong mahulog mula sa ikalimang palapag ng shopping mall sa Recto Maynila.

Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, bandang 3:00, Martes ng hapon, nang bumagsak ang lalaki sa ground floor malapit sa stage ng food court ng mall mula sa ikalimang palapag.

Ang natagpuang biktima ay may katamtamang pangangatawan at nasa 5’4 hanggaang 5’5 ang taas. Nakasuot ito ng dark gray na t-shirt at maong pants, nakayapak, at walang nakitang ID o kahit anong pagkakakilanlan.

Dadalhin naman ang bangkay ng biktima sa Archangel Funeral sa Sampaloc, Maynila.

Iniimbestigahan na ng Manila Police District Homicide Division ang insidente at pinapakuha ang mga kopya ng CCTV footages sa establisimiyento upang malaman kung may naganap na foul play.

Wala pa ring inilalabas na iba pang detalye ang pulisya at pamunuan ng shopping mall.

TAGS: Maynila, Recto, Maynila, Recto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.