Walang napaulat na pinsala sa imprastraktura sa Cebu – PDRRMO
Walang napaulat na pinsala sa mga imprastraktura sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) matapos yumanig ang magnitude 6.5 na lindol sa Visayas at Bicol region.
Ayon kay Julius Regner, information officer ng PDRRMO, mula 4:00 ng Martes ng hapon, walang naitalang pinsala sa mga impraktraktura sa bahagi ng Leyte, Samar at maging sa mga lungsod sa Bicol region.
Nasa 13 local government units (LGU) ang nagkumpirma aniya na naramdaman ang lindol sa ilan ding parte ng probinsya ng Cebu.
Kabilang dito ang mga bayan ng Asturias, Poro, Daanbantayan, Aloguinsan, Santander, Sibonga, Minglanilla, San Francisco, San Remigio, at Madridejos at maging sa mga lungsod ng Danao, Bogo at Lapu-Lapu.
Patuloy naman aniyang sinusuri ang mga imprastraktura lalo na ang mga luma na, hindi na matibay at kadalasang maraming tao.
Kabilang dito ang mga eskwelahan at ilang pampublikong opisina.
Patuloy din aniya ang pag-antabay sa mga ulat mula sa mga local disaster officer mula sa iba’t ibang bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.