Palasyo, tiniyak na nakatutok sa sitwasyon matapos ang lindol sa Eastern Samar
“On top of the situation”
Ito ang pahayag ng Palasyo ng Malakanyang para tiyakin sa publiko na nakatutok ang gobyerno matapos tumama ang magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar, Martes ng hapon.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na handa ang gobyerno na rumesponde anumang oras sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na lindol.
Nag-iikot na aniya ang mga disaster agency ng gobyerno kabilang ang mga sakop ang basic at health services upang masigurong hindi maaantala ang serbisyon ng gobyerno.
Sinabi pa ni Panelo na naka-standby na rin ang local government executives.
Hinikayat din nito na isantabi muna ang pulitika at ipairal ang tunay na pagkakaisa at kooperasyon sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.