Earthquake assessment reports ng LGUs sa Metro Manila, inaasahan ngayong hapon
Inaasahan na nakapagsumite na sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila ng kani-kanilang earthquake assessment report.
Ito ang ipinag-utos ni MMDA Chairman Danny Lim sa kanyang memorandum matapos ang lindol na naramdaman sa Ilang bahagi ng Luzon kasama na sa Metro Manila.
Ang utos ni Lim ay kaugnay sa kanyang posisyon bilang namumuno sa Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC).
Partikular na ipinag-utos nito ang pagsasagawa ng masusing pagsusuri sa mga imprastraktura, pribado man o pampubliko.
Aniya, ang dapat na magsagawa ng inspections at assesments ay ang local DRRMC.
Layon nito na malaman ang structural integrity ng mga gusali at imprastraktura para na rin sa kaligtasan ng publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.