9 na paaralan sa Central Luzon, NCR nasira ng lindol sa Luzon – DepEd
Hindi bababa sa siyam na paaralan ang nasira kasunod ng magnitude 6.1 na lindol sa Luzon noong Lunes ng hapon.
Batay sa inisyal na ulat ng Department of Education (DepEd), walong paaralan ang nasira sa Central Luzon habang isa naman sa National Capital Region (NCR).
Narito ang listahan ang mga paaralan na nagtamo ng pinsala:
– Cupang Senior High School sa Muntinlupa City
– Laukan National High School sa Bataan
– Mabalacat Elementary School sa Mabalacat City, Pampanga
– Malusac Elementary School sa Pampanga
– Pio Elementary School sa Pampanga
– Camias High School sa Pampanga
– Subic Central Elementary School sa Olongapo City
– San Nicolas Integrated School sa San Fernando City, at
– Sindalan Elementary School sa San Fernando City
Sinabi ng kagawaran na nagkaroon ng crack mula sa ikalawang palapag hanggang ikaapat na palapag ng Pagcor Building sa Cupang Senior High School sa Muntinlupa City.
Nasa 20 classroom ang apektado sa naturang paaralan.
Ayon pa sa DepEd, nagiba ang mga bakod at nasira ilang corridor at daanan sa mga apektadong paaralan.
Dahil dito, nagpatupad ng inspeksyon ang DepEd sa mga gusali at pasilidad matapos ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.