Tumamang lindol sa Luzon at Visayas, walang ugnayan – Phivolcs

By Angellic Jordan April 23, 2019 - 04:12 PM

CONTRIBUTED PHOTO BY EDEN BENUSA

Hindi konektado ang yumanig na magnitude 6.1 na lindol sa Luzon at magnitude 6.5 na lindol sa Visayas.

Sa isang panayam, sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na walang ugnayan ang dalawang malakas na lindol.

Naramdaman ang magnitude 6.1 na lindol sa Kalakhang Maynila at ilang probinsya sa Luzon, Lunes ng hapon.

Nasa 16 katao na ang napaulat na nasawi batay sa pinakahuling datos ng NDRRMC.

Samantala, namataan naman ang magnitude 6.5 na lindol sa San Julian, Eastern Samar.

Naramdaman ang lindol sa ilang lugar sa Visayas, Bicol at Caraga, Martes ng hapon.

Sinabi naman ni Solidum na inaasahan pa rin ang aftershocks sa mga susunod na araw matapos ang dalawang malakas na lindol.

TAGS: lindol, Luzon, PHIVOLCS Director Renato Solidum, Visayas, lindol, Luzon, PHIVOLCS Director Renato Solidum, Visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.