Ayon sa emergency dispatch service ng Manila Police District (MPD), naganap ang sunog sa Gotesco Tower sa bahagi ng Natividad Lopez Street sa Ermita bandang 12:21 ng hapon.
Makalipas ang isang oras, itinaas ang sunog sa ikalawang alarma.
Agad naman naapula ng mga rumespondeng bumbero ang sunog matapos ang 10 minuto.
Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa sunog.
Napaulat din ang dalawang insidente ng sunog sa residential area sa Quezon City at Caloocan.
Batay sa ulat, tinupok ng apoy ang bahagi ng Calamba Street sa Barangay Salvacion sa Quezon City.
Itinaas na ang sunog sa ikalawang alarma.
Samantala, nagliyab din ang sunog sa ilang kabahayan sa 14 Block 28 Dagat-Dagatan sa Caloocan at idineklara namang fire under control bandang 2:19 ng hapon.
Sa ngayon, patuloy pang inaapula ang sunog sa mga nasabing lugar.