Bilang ng mga nasawi sa lindol sa Luzon, umabot na sa 16 – NDRRMC
Umabot na sa 16 katao ang bilang ng mga nasawi sa tumamang magnitude 6.1 na lindol sa Kalakhang Maynila at ilang probinsya sa Luzon noong Lunes ng hapon.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamatinding apektado ng lindol sa probinsya ng Pampanga.
12 katao ang napaulat na namatay sa Porac, dalawa sa Lubao habang isa naman sa bayan ng Angeles.
Maliban dito, isang katao rin ang nasawi sa bahagi naman ng San Marcelino sa Zambales.
Samantala, 81 katao ang nasugatan habang 14 naman ang nananatiling nawawalan.
Matatandaang naitala ang episentro ng lindol sa Castillejos, Zambales kung saan nasa 29 gusali at istraktura ang nasira ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.