(Updated) Nagpatupad ng suspensyon ng klase sa ilang lugar para sa araw ng Miyerkules, April 24.
Ito ay dahil sa tumamang magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar bandang 1:37, Martes ng hapon.
Kanselado ang lahat ng klase sa University of San Jose-Recoletos sa Cebu.
Samantala, mananatiling suspendido pa rin ang klase sa University of the Philippine Diliman Extension Program – Pampanga dahil sa nagpapatuloy na inspeksyon sa mga gusali nito.
Wala namang pasok ang lahat ng antas sa Emilio Aguinaldo College hanggang araw ng Lunes, April 29 bunsod pa rin ng inspeksyon sa lugar.
Isa kasi sa mga gusali ng paaralan ang natumba sa katabing gusali matapos ang 6.1 magnitude na lindol sa Luzon.
Samantala, maagang nagpatupad naman ng suspensyon ng klase sa lahat ng paaralan at unibersidad sa Tacloban City, Leyte para sa mga panghapon na klase.
I-refresh ang page na ito para sa karagdagang detalye sa mga suspendidong klase.