Halaga ng mga nasirang irrigation canal at dam sa ilang probinsya, umabot sa P50M – Piñol

By Chona Yu April 23, 2019 - 03:29 PM

Kuha ni Chona Yu

Aabot sa P50 milyong halaga ng irrigation canals at dams ang nasira dahil sa 6.1 magnitude na lindol na tumama sa Pampanga, Zambales at mga kalapit na lugar, Lunes ng hapon.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ang Cong Dadong Dam sa Arayat, Pampanga ang nakapagtala ng pinakamalaking damage na aabot sa P20 milyon.

P10 milyong halaga naman ang nasira sa dam sa Dinalupihan sa Bataan.

Nasira rin ang isang dam sa Zambalaes.

Wala naman aniyang naiulat na pinsala sa mga pananim sa mga nasabing lugar.

Samantala, sinabi ni Piñol na hinihintay pa niya ang ulat kung mayroong pinsala sa irigasyon o dam sa bahagi ng Leyte at Samar na tinamaan naman ng 6.2 magnidute na lindol, Martes ng hapon.

TAGS: dam, Irrigation Canal, Sen. Manny Piñol, dam, Irrigation Canal, Sen. Manny Piñol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.